\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2160263-Manalig-Sa-Langit
Item Icon
\"Reading Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
Rated: E · Essay · Emotional · #2160263
Alam ba ninyo kung ano ang gusto ko sa buhay ko? Simply lang po....

Alam ba ninyo kung ano ang gusto ko sa buhay ko? Simply lang po. Maging mahinahon sa bawat panahon na aming sinasampalataya at sa araw-araw. Sa buhay ng napakamaraming tawirin, kung minsan malawak at minsan naman matarik. Hindi malaman kung matatapos ba ang bawat balakid sa buhay ng tao. Ngunit ang natatanging kaalaman ko ay sa bawat hapdi at sakit na narating ng tao, sa dulo naman ay mayroong ginhawa. Ang puso na nilikha ng Panginoong Diyos sa tao ay upang maipagdulot ng mabuting pag iisip at kasaganaan ng buhay ay siyang perpekto sa higit ng bagay sa mundo. Kaya, laging isinasabi sa atin ng puso na siya nating aalagaan at pahalagahan ang kaugnayan natin na mabuhay sa lupa. Dumatal man sa atin ang bagabag at kamalian na hindi sadyang mangyari ang di dapat na datnan. Dapat nating isipin na itong mga pangyayari ay mayroong katotohanan na dapat nating iwasto at sa pagkukulang ay maituwid nating itama ang bawat suliranin. "Okay lang ako" salitang palagi nating naririnig sa ating sarili ang taas na pagsabing nasa mabuting kalagayan lamang ang sarili, kaya nga palagiin natin sa puso na mayroong katiyakan ang ating damdamin upang maibatid nating buong buo na tunay na nagagalak. At minsan kung nalalaman nating hindi tayo sa maayos na kalagayan, ganto lang ating isa isip na walang bagay ang maging permanente dahil tayo ay nagbabago. Sa madaling salita, ang ating mga ugali ay kayang magbago ngunit naitanim na sa halaman ang ugat ng ating simulan at malapit sa wakas. Ito lang ang masasabi ko sa ngayon, dahil nga kaarawan ko itong araw na to at kasama ng aking kakambal. Hinahangad ko na sana sa aking patuloy na pakikipaglaban sa mundong ibabaw ay higit kong ipinagpapanata na ilapit ako palagi sa kamay ng makapangyarihang ng Panginoong Diyos at kaaliwan ako ng lalo ng aking magulang. Dalawangput isang taong gulang at patuloy na nararamdaman ang takot ngunit sa kabila nito ay dumating naman sa akin ang "pag ibig na bigay sakin". Itong kahulugan nang makilala ko ang lalaking nakasama ko sa abril 4 2018 at huminto sandali ang oras at nadarama ko ang kaupawan at galak ng pusong mahina na naging matibay sa pananaw ng aking buhay. Salamat sa iyo at kilala mo kung sino ka. Nagpapasalamat rin ako sa babaeng kaibigan ko na nasa malayo at ipinakita ang malas ng tibok ng kanyang puso at kahit siya ay umasa sa isang lalaki pero nanatili ang kanyang katapatan sa buong taon, Jesly, salamat sa iyong pagdamay sa aking kalungkutan at sabay sa aking kasiyahan ay natutuwa akong kasama pa rin kita. Ssssh. Hehe . Kaya mga bumabasa nito, gisingin po natin ang ating puso at sa pamamagitan ng panalangin sa ating Poong Maykapal, Opo, Matatanggap natin ang ating Katuparan sa ating mga Pangarap. Sa Kanya ay Manalig Ng Lubos!

Happy Kaarawan sa akin! :)
-Alrishane
© Copyright 2018 Alrishane (alrishane at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2160263-Manalig-Sa-Langit