\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/949068-Paano-Makaligtas-sa-Buhay
Item Icon
Rated: E · Essay · Comedy · #949068
Tips on how to conquer life almost easily.
Yep! You read it right it's a Filipino Essay. It is a quick shot of everything. Para sa 'tin to (kung ma gets mo...)


Minsan sinabihan ko ang nanay ko na ayaw ko na. Uuwi na ko sa amin. Gusto ko nang magtayo ng Toy Stor and magpalaki na lang ako ng Baboy. Since 12 years old pa lang ako, hindi na ako nakatira sa bahay. Pinapasok na ako ng tatay ko sa school. Dun na ko nakatira, dun na ko kumakain at of course, school.

Medyo mahirap sa umpisa, wala kang muwang sa mundo pero eto ka ngayon, pinipilit ang sarili na mabuhay kahit walang alam kung ano ito. Kahit alam ko na wala rin akong magawa dito, lahat siguro magagawa pag pilitin. Sana nga.

Pero and buhay siguro hindi lang dapat pilitin. Siguro kung 12 years old ka and buhay siguro medyo gentle sa 'yo. Parang ok lang. Parang sinasabi nila na kahit ganyan ka lang, meron kang magagawa sa mundo.

Lahat hindi na ok lang nang medyo lumaki na ako. High school parang nagwawala na ang sarili ko na lumabas sa hawla at pumatay ng tao (pero lamok lang ang kaya ko). Anyway, tinanong ko ang sarili ko kung bakit ako nagkaganoon. Hinanap ko ang sarili kong kaluluwa (soul searching?) para malaman ko bakit. Hmmmm teka, siguro hindi sa kaluluwa ko. Kasi hindi ko makita ang kaluluwa ko. Hahaha!!! Ang Bobo ko.

Kaya nagpatuloy ako. Hinanap ko sagot kung bakit ako ganito. Kaya kahit hindi ko gusto kumuha ako ng kurso na para malaman ko kung "Why am I here?" kumuha ako ng Philosophy.

Aba, at masaya pala. I love essays at parang masaya akong gumawa ng sulating pangwakas nang elementary ako. Masakit lang ang corrections ng mga guro ko kasi parang kailangan magaling ang handwriting mo...writer ako! hindi handwriter! Hahahaha....grrrr...

Ok lang. Sa ngayon balik tayo sa title "pano makaligtas sa buhay". Paano nga ba?

Meron sa buhay na binibigyan tayo ng kinakailangan. Parang "Uy tamad to....mabigyan nga ng problema". Nakakainis diba? Pero ano rin ang buhay kung puro na lang saya, kung puro ng masarap. Parang kendi rin ang kasayahan kung marami nang nakain, sa sakit rin ang ngipin.

Wala nga lang dentista sa buhay mo. Kung meron man e magkakasakit ka parin....hindi na yan masaya.

Ngayon tanungin natin ang sarili natin. Paano nga ba makaligtas sa buhay? Hindi natin masasagot yan ng diretsahan pero ang buhay ay parang isang Askal na alaga mo. Sa umpisa ang cute ng walanghiya dahil ang liit para. Ang sarap paglaruan kasi maliit pa, walang magagawang masama sayo. Pero habang lumalaki ang nagigiging marumbado na ang loko. Pinapakain mo lang siya tatlong beses isang araw at parang wala lang. Habang tumatanda siya, binabale wala mo na si tagpi, parang aso na lang siya, wala na siyang pangalan. Hanggang mamatay na lang siya.

Yan na rin ang mangyayari sa buhay mo kung wala lang...kung wala kang magagawa sa buhay mo. Parang Askal.

© Copyright 2005 Penny Me (sting6ph at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/949068-Paano-Makaligtas-sa-Buhay