\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2317418-Why-Dos-Wag-their-Tails
Item Icon
Rated: E · Fiction · Educational · #2317418
Folkale Story
Why Dogs Wag Their Tails

Clara Kern Bayliss



         Once upon a time there lived in a certain pueblo a rich man who had a dog and a cat. His only daughter, of whom he was very fond, was studying in a convent in a city several miles distant and it was his custom, about once a week, to send the dog and cat to take her a little present. The dog was so old that he had lost all his teeth, and so was unable to fight, but the cat was strong and very cunning, and so one could help the other, since the dog knew better how to find the way.
         One day the rich man wished to send a magic ring to his daughter, so he called the dog and the cat to him. To the cat he said: "You are very cunning and prudent. You may carry this magic ring to my daughter but be sure to take very great care of it." To the dog he said: "You are to go with the cat to take a magic ring to my daughter. Take care not to lose the way and see that no one molests the cat." Both animals promised to do their best and set out immediately.
         On the way they were obliged to cross a wide and deep river, over which there was no bridge, and as they were unable to find a boat, they determined to swim across it. The dog said to the cat: "Give me the magic ring." "Oh, no," replied the cat. "Did you not hear the master say just what each of us had to do?"
"Yes, but you are not very good at swimming, and may lose the ring, while I am strong and can take good care of it," answered the dog. The cat continued to refuse to disobey its master, until at last the dog threatened to kill it, and it was obliged to intrust the ring to the dog's keeping.

         Then they began to swim across the river, which was so strong that they were about an hour in getting over, so that both became very tired and weak. Just before they came to the other side, the dog dropped the ring into the water, and it was impossible to find it. "Now," said the cat, "we had better go back home and tell our master that we have lost the ring." "Yes," answered the dog, "but I am very much afraid." So, they turned back toward home, but as they drew near the house his fear so overcame him that he ran away and was never seen again.
         The master was very much surprised to see the cat back so soon, and asked him, "Where is your companion?" The cat was at first afraid to answer. "Where is the dog?" asked the master again. "Oh, he ran away," replied the cat. "Ran away?" said the master. "What do you mean? Where is the ring?" "Oh, pardon me, my master," answered the cat. "Do not be angry, and I will tell you what has happened.
         When we reached the bank of the river, the dog asked me to give him the ring. This I refused many times, until at last he threatened to kill me if I did not give it to him, and I was obliged to do so. The river was very hard to cross, and on the way the dog dropped the ring into the water, and we could not find it.
         I persuaded the dog to come back with me to tell you about it, but on the way he became so frightened that he ran away."
         Then the master made a proclamation to the people, offering a reward to the one who should find his old dog and bring him to him. They could recognize the dog by his being old and having no teeth. The master also declared that when he had found the delinquent, he would punish him by cutting off his tail.
         He ordered that the dogs all around the world should take part in the search, and so ever since that time, when one dog meets another, he always asks: "Are you the old dog who lost the magic ring? If you are, your tail must be cut off." Then instantly both show their teeth and wag their tails to mean no. Since that time, also, cats have been afraid of water, and will never swim across a river if it can be avoided.
Ang Alamat Ng Pating

Rene O. Villanueva



         Ang kasabihang parang pating ka kung magpatubo ay batay sa alamat ng pating ng kuwento ng mga taga-Palawan.
         Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palawenyo na kilala sa pagiging usurero. Siya si Kablan na lagi nang gusuing patubuan ang lahat ng kapitbahay na nangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinapautang, galit ng galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunod-sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.
         Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng mangingisda. Hindi sila maka-angal sa di makatarungang pagpapautang.
Mahusay na mahusay na kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang paghahanguhan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli mas malaki marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingising ngising negosyante.

         Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang sa kanyang bahay.
"O ano, tanda may problema ka ba?"
"Na...nagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?"
"Aba oo,iyon lang pala," makunot-noong sagot ni Kablan. " Pero sa isang kondisyon, kailangang bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung wala kang pera ay umalis ka na diyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."
"Maawa kayo,ginoo. Hindi niniyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."
"Aba, makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda kang mahuhuli! Sige, layas!layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na napasubsub sa tarangkahan ng malaking bahay.

         Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran. Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang kanyang baston. Namangha ang lahat ng magdilim ang langit at gumuhit ang matatalim na kidlat.

         Sa pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa. Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda.

         Hindi natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-kinita niya na nag paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya. Naglalaro sa isip niya na ngayon napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo. Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bulto-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang pinalaking bodega.

         Sa paghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing, "Tulad ng takot na itinanim mo usurero, sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan, magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan."
Sa muling pagtaas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim ang mga kidlat.

         Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw na tanaw ng lahat na nagdududmaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang takot. Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan.

         Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.
Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong parang bula.

         Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa Palawan. Ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.




























































































Si Amomongo at si Iput-Iput


Visaya
(Ang Gorilya at ang Alitaptap)


Ang pabulang ito ay isa lamang sa kalipunan ng mga Bisaya na naglalarawan ng paglalaban sa pagitan ng maliliit na insekto at malalaking hayop.
"Huwag maliitin ang maliliit dahil may magagawa silang di magagawa ng malalaki"

         Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito.
         "Hoy, Iput-Iput,bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?"
         Sumagot si Iput-Iput. "Dahil natatakot ako sa mga lamok."
         "Ah, duwag ka pala," ang pang-uuyam ni Amomongo.
         "Hindi ako duwag!" , ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput.
         "Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?", ang pang-aasar ni Amomongo.
         "Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo'y maipagtanggol ko ang aking sarili.", ang tugon ni Iput-Iput.
         Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga utong gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
         Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.
         "Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa'yong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon."
         Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. "Mayroon ka bang mga kasama?"
"Wala!", ang sigaw ni Iput-Iput. "Pupunta akong mag-isa."
Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili't isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away.
         Nagpatuloy ang alitaptap. "Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!"
         "Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin." Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.
         Ngunit sumagot si Iput-Iput: "Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!"
         Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.
         "Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.
         Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.
         Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.
































































































Ang Alamat Ng Pating

Rene O. Villanueva

         .
Tagapagsalaysay: Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palawenyo na kilala sa pagiging usurero. Siya si Kablan na lagi nang gusuing patubuan ang lahat ng kapitbahay na nangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinapautang, galit ng galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunod-sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.


          Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng mangingisda. Hindi sila maka-angal sa di makatarungang pagpapautang.


          Mahusay na mahusay na kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang paghahanguhan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli mas malaki marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingising ngising negosyante.


          Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang niyang bahay.


Kablan: "O ano, tanda may problema ka ba?"
Matanda: "Na...nagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?"
Kablan: "Aba oo,iyon lang pala," makunot-noong sagot ni Kablan. " Pero sa isang kondisyon, kailangang bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung wala kang pera ay umalis ka na diyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."
Matanda: "Maawa kayo,ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."
Kablan: "Aba, makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda kang mahuhuli! Sige, layas!layas!"



Tagapagsalaysay: Pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na napasubsub sa tarangkahan ng malaking bahay. Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran. Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang kanyang baston. Namangha ang lahat ng magdilim ang langit at gumuhit ang matatalim na kidlat.


          Sa pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa. Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda.


          Hindi natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-kinita niya na nag paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya. Naglalaro sa isip niya na ngayon napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo. Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bulto-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang pinalaking bodega.


          Sa paghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing,


Matanda: "Tulad ng takot na itinanim mo usurero, sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan, magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan."

Tagapasalaysay: Sa muling pagtaas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim ang mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw na tanaw ng lahat na nagdududmaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang takot. Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan.


          Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.
Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong parang bula.


          Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa Palawan. Ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.










Si Amomongo at si Iput-Iput


Tagapagsalaysay: Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito.


Amomongo: "Hoy, Iput-Iput,bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?"
Tagapagsalaysay: Sumagot si Iput-Iput.
Iput- Iput: "Dahil natatakot ako sa mga lamok."
Amomongo: "Ah, duwag ka pala," (Ang pang-uuyam ni Amomongo).
Iput- Iput: "Hindi ako duwag!" (ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput)
Amomongo: "Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?" (ang pang-aasar ni Amomongo)
Iput- Iput: "Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo'y maipagtanggol ko ang aking sarili.".


Tagapagsalaysay: Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga utong gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.


Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.


Iput- Iput: "Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa'yong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon."


Amomongo: (Pupunga-pungas na nagtanong) "Mayroon ka bang mga kasama?"
Iput- Iput: "Wala!" (pasigaw). "Pupunta akong mag-isa."
Tagapagsalaysay: Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili't isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away.
Iput- Iput: "Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!"
Amomongo: "Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin."


Tagapagsalaysay: Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput:


Iput- Iput: "Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!"


Tagapagsalaysay Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.


Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.


Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.


Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.



© Copyright 2024 Vanessa (vanessaramirez at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2317418-Why-Dos-Wag-their-Tails