No ratings.
MIGO and DHALI |
''Lumayas ka sa harapan ko!'' Sigaw ng Babae sa bata at pinag patuloy ang pag inom ''Mama,please umuwi na kayo'' iyak ito ng iyak at nagmamakaawa sa sariling ina na sumama pabalik sa bahay nila,hawak hawak nito ang ilalim ng damit ng kanyang ina at bahagyang hinihila hila ito para maagaw ang atensyon sa alak na iniinom nito pero imbis na maawa ang ina dito at sumama ay malakas na sampal ang natanggap nya ''Milagros! ano ka ba sarili mong anak yan!'' BAgo pa makadapo ang kamay nito para sa pangalawang sampal ay napigilan na ito ng kapatid ng kanyang ina at inilayo ang bata na iyak ng iyak sa sakit na ginawa ni Milagros ''Ilayo mo sakin ang batang yan!ayokong makita ang pagmumukha ng demonyo na yan!'' kung tutuusin ay hindi ganito ang ina lalo na kapag hindi nakakainompero kahit na bata palang ito ay tumatatak na ang sakit na mga salita nya dito ''UMAyos ka!'' Isang mag asawang sampal ang ginawa ng kapatid nito na kahit sya ay hindi maiwasan maiyaka sa pinag gagawa ni Milagros sa bata ''Dhalia,mauna ka na muna sa bahay niyo at susunod ako'' utos nito dito na sinunod nya nalang dahil wala rin naman mangyayari kung ipiplit nya ang gusto, ''Anong nangyayari sayo Milagros ha,ANong asta ang ipinapakita mo sa mga bata!'' ''Isa ka pa bakit hindi ka manahimik at pabayaan ako?'' Sisigawan pa sana ng kapatid nya si Milagros ng makita nyang humagulhol ito ng iyak at galit na galit ''Ilaang beses ako nagmakaawa sayo na pakawalan mo,Gusto kong umalis Mirabel,Gusto kong lumayo!'' Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan nya at pinag masdan lang ang kapatid na walng humpay sa kakaiyak habang hinahampas ito ''Pakawalan nyo na ako parang awa nyo na,gusto ko ng sumama kay Rohelyo'' NApaluhod naman ito at tuloy pa din ang pag iyak at pagsuntok sa dibdib na parang gustong mawala ang sakit na nararamdaman,Lumuhod din ang kapatid nya at mahigpit na niyakap,hindi nya aakalain na magiging ganito si Milagros kilala nya itong matapang at matigas na tao,hindi nya aakalain na makikita nya ang Milagros na hinahangan nya simula bata na ganito ang sitwasyon.Simula ng pumanaw ang asawa nito apat na taon na nankakalipas ay parang dinala nito ang dating Milagros at iniwan ang durog na durog na kapatid.Kahit na ilang taon na ang dumaan ay hindi pa rin naghihilom ang sakit na nararaamdaman ng kapatid.Apat na taon na din ng makita ni Mirabel umiyak ito at akala nya ay ayos na ito pero nagkakamali pala sya dahil ni hindi manlang humilom ang kapatid nya,ni pinabayaan nya na ang mga anak at sumasama sa ibat ibat lalaki kung umuwi man ito sa bahay ay lasing o di kaya ay iinom at hindi lalabas sa silid,hindi nya alam na nasasaktan ang kapatid akala nito ay naglilibang sya at gustong gawin ang mga bagay na hindi nito nagawa ng ipakasal ng ama nya ag kapatid kay Rohelyo,akala nito ay hindi mahal ni Milagros ang lalaki at gustong makawala,pero iba ang Milagros na nasa harapan nya,masyado itong durog |