No ratings.
its all about a friend's situation way back from highschool.enjoy reading |
"At ang maskara ay mistulang inukit na parte ng yapis niyang mukha,isang bahagi...isang hulmahan." Titig na titig parin si Cyrus sa sarili niyang repleksyon sa salamin.Balisa..gulong-gulo..maaaninag sa salamin ang mukhang iyon- ang magandang tubo ng ilong,ang malamlam na pares ng mata at ang maamong mukha...Sa kanyang isip,pilit na hinahanap parin niya ang mga sagot sa kanyang mga katanungan..bigla-bigla hindi niya ito inaasahan. "At ang perpektong maskarang iyon ay unti-unting nahuhugot sa kanyang hulmahan,dahan dahang natatanggal..." Hindi siya ganito noon. Ewan niya,siguro silakbo lang ng damdamin kaya nangyari iyon. Nadala lang siya sa simbuyo ng damdamin ng karakter niyang agresibo. O di marahil bunga lang ito ng pagkauhaw niya sa pagmamahal; pagmamahal na ipinagkait sa kanya ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang tatay. Pagmamahal at pagtanggap na pipiniplit niyang makamtan ng matagal ng panahon. Ni hindi , sa tanang buhay niya'y pumasok sa kukote niya na makipagniig sa isang lalaki..sa kapwa niya Adan - at ang masaklap pa'y sa kanyang mismong "bestfriend!" Kilala niya ang kanyang sarili.Siya si Cyrus Villacorta, isang henyo pagdating sa computer programming;produkto ng mapagpalang kamay ng Losanto Computer Academy. Paanong ang katulad niya'y nagpakatanga sa isang gabi lang ng "kaluwalhatian?".....ng krimeng purong karnal? Hindi..hindi siya ganito.Kung sa ingles ay napaka-unbecoming of him.Siya, ang pinakahabulin sa tropa ay magiging ganito? Isang kahihiyang hindi niya pinapangarap!!! "At sa pagkakahulog ng maskara'y lumitaw ang ang isang malungkot na mukha." Gulong-gulo siya.Sa pag-iisip ng tagpong iyon ay parang hindi niya kilala ang sarili niya.Hindi niya mapatawad ang sarili sa kamaliang nagawa..Halos iuntog na niya ang sarili mawala lang sa kanyang isip ang mga pangyayaring iyon.Wala siyang magawa...halos takasan siya ng ulirat... "Sa pagkakahulog ng maskara'y kasunod nito ang pagkakapiraso nito tulad ng pagkapirapiraso ng pagkatao ng lalaki." Napasigaw na lang siya."HINDI, Hindi ako bading!!! hindi ako Bakla!!! At kasabay noo'y ang pag-agos ng luha sa kanyang malamlam na pares ng kanyang mga mata. |