\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2033725-Wala-nga-bang-Forever
Item Icon
\"Reading Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
by Khing Author IconMail Icon
Rated: E · Essay · Emotional · #2033725
Do Forever really exist? This is the theme of this confession made by a brokenhearted girl
WALANG BA TALAGANG FOREVER?

(CONFESSIONS)


It started with a simple text message, way back 2012. Crush ko siya but pinili kong wag na sabihin kasi aside sa nakakahiya, baka kung ano pang isipin niya about me. Pasimple akong nagtext na kunwari related sa request letter para sa ROTC Tactical Inspection sa Maragusan, pero yung totoo eh para din yun mareach out ko siya. Siyempre, that was the main intention, secondary nalang yung personal ?
Maswerte naman ako't after our business conversation, nagtanong siya about my personal life. Kaya simula nun tuloy-tuloy na hanggang sa nanligaw siya at naging kami after 3 months.
Everything went smooth between the two of us except the fact na mahigpit na pinagbabawal ng parents ko ang pagkakaroon ng boyfriend. Yun ang reason kung bakit hindi ko maopen up sa parents ko ang tungkol sa amin, pero kabaliktaran naman ng sa kanya, masyado akong open sa kanila. Kapag may mga family gatherings at special occasions, ako ang unang unang hinahanap ng family niya. Alam na alam na niya ang situation ko, at ang sabi niya "okay lang! Naiintindihan kita! Sa tamang panahon, kapag may trabaho na ako, at nasa tamang edad ka na, pwede na rin akong humarap sa pamilya mo." Naging kampante naman ako sa mga sinabi niya sa akin kasi kung gaano siya kashowy with regard to his love, ganun din ang sinasabi ng friends niya sakin kung gaano daw ako kamahal ng boyfriend ko. I stayed strong for us kasi alam ko mahal ko siya at mahal niya ako. Ganun nga lang, habang tumatagal, mas lalo akong nagiging selosa at possessive sa kanya. Mas lalo ko na kasi siyang minamahal, at para sa akin, yun lang naman ang natatanging rason kung bakit ko siya hinihigpitan sa lahat. Lalo na nang mapalayo siya sa akin right after graduation para magreview for Licensure Examination for Teachers (LET). Doon na nagsimula ang dagok ng aming relasyon. I tried my best to trust him, kahit ang hirap pero dahil mahal ko siya, puno man ng pagdududa ay pinagkatiwalaan ko siya.
Nakatira siya sa boarding house ng ate niya, pero mas madalas siyang nakatambay sa boarding house ng mga kaibigan niya. Lagi ko siyang pinapaalalahanan na iwasan ang mga babaeng kasama niya at baka matukso siya. Lagi naman niyang sinisigurado sa akin na ako lang at wala ng iba. Ngunit hindi ako mapakali, kaya pinagseselosan ko lahat ng mga kasama niya. Lalo na ng nakita ko sa facebook account niya ang mga kaganapan kasama ang babaeng sigurado akong HINDI MAPAGKAKATIWALAAN, ngunit gaya ng dati, sinasabi pa rin niya sa akin na wala at hindi niya ako ipagpapalit. Pero hindi niya  maipagkakailang marami ng nag iba sa kanya. Kung magtext siya, dalawang beses sa isang araw at umaga na kung umuuwi. Kapag tinatanong ko naman siya, sinasabi lang niya na busy siya para sa review. Well, napatunayan naman niya dahil nakapasa siya sa LET. Masaya ako para sa kanya, pero kaakibat nito ang mga pagbabago sa aming dalawa.Mas napapadalas na ang mga outing nila kasama ang barkada at minsan hindi na nagtetext ni tumatawag.
         Isang araw, 2 months before our 2nd year anniversary, may pinagtapat siya sa akin, saktong araw na nakapagdecide ako na mas magtitiwala na ako sa kanya at hindi na ako magdududa, pero bago ko pa masabi sa kanya ang good news ko sana, naunahan na niya ako. Karen, halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang tunay na problema naming dalawa. Akala ko ako ang problema, yun pala siya. NAKABUNTIS SIYA ng isang babaeng hindi ko inakalang ipagpapalit niya sa akin. 7 years ang agwat ng edad nila, mas matanda ang babae sa kanya. Sobrang sakit. Pinigilan ko ang sarili ko at nagdesisyong ipaglaban siya. Tiniis ko ang sakit huwag lang kaming maghiwalay at makapagcelebrate lang ng 2nd year anniversary namin ng magkasama at sa Valentine's Day. Nagmaangmaangan ako sa harap ng pamilya niya para makasama lang siya kahit alam kong bukas wala na naman siya sa akin at nasa tabi na naman ng babaeng yun. Gusto ko silang awayin, murahin, pero hindi ko magawa kasi alam kong wala rin naman akong magagawa para baguhin ang lahat kahit na sabi niya nadala lang siya sa tukso at hindi sinasadya ang nangyari. Andyan na ang bata at hindi na pwedeng mawala. Mas lalo akong nasaktan ng nalaman kong ang rason kung bakit niya nagawa yun ay dahil sa selosa ako masyado at wala kaming freedom dahil sa mahigpit ang parents ko. Ang buong akala ko eh naiintindihan niya ang siuation namin, yun pala hindi. Sa iba ko pa nalaman ang ganung rason at hindi sa kanya.
Pero tao lang din naman ako, matapos ang isang buwan na pagpapakatanga, nagdecide na akong makipaghiwalay sa kanya. Pumayag siya nung una pero kinagabihan, nakipagbalikan na naman pero buo na ang aking desisyon at hindi na ako pumayag.
Two months after, binalita niya sa akin na hindi natuloy yung baby. Sinasabi niyang mahal pa rin niya ako hanggang ngayon, hindi lang niya kayang mahiwalayan ang babaeng yun sa ngayon dahil sa utang na loob. Pero sabi niya sa tamang panahon at sana daw mahintay ko siya.
Ewan ko ba Karen. That was over a year ago, pero bakit ang sariwa pa rin ng lahat? Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako everytime na nakikita ko ang mga fb posts ng girl lalo na kapag kasama siya. Gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya sa akin, pero natatakot ako at baka masaktan ako ulit. Bitter pa rin talaga ako until now. Lalo na kapag nagpopost ang babae kung gano daw siya kamahal ng ex ko. Pero kung mahal niya talaga ang gf niya, bakit siya tumatawag sa akin? Hindi ko naman kasi siya kayang iechepwera at huwag nang sagutin ang mga tawag niya. Posible kayang mahal ko pa siya? O sadyang naghahanap lang ako ng pagmamahal? Mahal pa kaya nya ako? O hindi lang niya ako malayuan? May aasahan pa kaya ako sa amin? Wala nga bang forever?

© Copyright 2015 Khing (cxhydelle81 at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2033725-Wala-nga-bang-Forever