\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/1987995-Betrayed
Item Icon
Rated: · Short Story · Teen · #1987995
Friendship that will be destroyed by betrayal.


BETRAYED - ONE SHOT







Umulan na kaya unti-unti na silang nagsi-alisan. Unti-unti na nila kong iniwan. Di ko namamalayan na wala na silang lahat. Ang bilis nila kong iwan. Sabagay, wala na namang nagmamahal sakin. Susundan ko na sila. Malapit na. Pero nagulat ako ng may isa pa palang tao na nagpa-iwan. Hindi ko mapigilang umiyak sa nakikita ko. Umiiyak siya at gusto ko siyang patahanin pero di ko magawa. Gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako.



Unti-unti akong lumapit sakanya at pinagmasdan ang kanyang mukha.



Nakita ko siyang unti-unting lumalapit sa akin. Niyakap ko siya pero di niya naramdaman. Basang-basa na siya. Gusto ko siyang payungan pero di ko talaga magawa. Hinahaplos niya yung.. haays. Gusto kitang yakapin, gusto kitang maka-usap. Ang dami kong gustong sabihin sayo.. bestfriend.



Miss na miss na miss na miss na kita Best. Bakit ba tayo humantong sa ganito?







FLASHBACK








“Welcome back to us. Hahahaha” Natatawa ko sa kanya. Parang ilang linggo lang kami di nakapasok excited na agad tong bestfriend ko.



“Chill lang best, two weeks lang walang pasok, excited?” Natigil ako sa pagtawa ng parang hindi na siya nakikinig sa akin. Hindi nakatuon yung tingin niya at isipan niya sakin kaya minabuti kong tignan din yung tinitignan niya.



Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko.Yung titig ni Caex may kahulugan. Yung titig niya kay Alyael. Yung titig niya sa taong gusto ko.



Tinitigan ko rin ng mabuti si Alyael. Napagwapo niya, Matipunong pangangatawan, Matangkad, at yung kanyang nakahuhumaling ngiti. Lalong di ko mapigilang mahulog sakanya. Bumalik ako sa katauhan ko ng kinalabit ako ni Caex. Nakakatakot yung tingin niya. Yung tingin na parang inagawan.



“Faith, may gusto ka ba ka Alyael?” Diretso at may himig na inis ang tono ni Caex. Bigla kong kinabahan. Ramdam ko yung pagtayo ng mga balahibo ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi niya alam na may pagtingin ako kay Alyael. Hindi ko rin nasabi na nililigawan ako ni Alyael. Oo, halos limang buwan na niya akong nililigawan. Gusto ko siya at gusto niya ako. Naghihintay lang ako ng tamang oras para sagutin siya. At tamang oras para sabihin kay Caex. Pero hindi sa sitwasyong ito.



“B-bakit mo n-naman na tanong yan?” Utal ang boses ko. Iniwas ko yung tingin ko sakanya dahil sa kaba.



“Wala lang. Kasi iba yung tingin mo sakanya. Pero di bale, alam mo ba Best, gusto ko siya” Nakangiti at kinikilig na sabi ni Caex sabay turo kay Alyael. Parang biglang huminto sa pagtibok yung puso ko. Parang yung mundo tumigil sa pag-ikot. At parang ayoko ng tumigin pa sa itinuro ni Caex. Gusto niya yung taong matagal kong minamahal? Pilit kong binubuka yung bibig ko pero walang lumalabas ni isang salita.



“T-talaga B-best? C-congrats. Sa wakas may n-nagustuhan na rin yung Bestfriend ko” Di ko alam kung saang sulok ko yun nahugot yung lakas ng loob magsalita. Gusto kong umiyak. Gusto ko ring sabihin gusto ko siya. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na ako yung gusto ni Alyael. Ako yung nauna. Pero wala kong lakas ng loob. Siguro, kailangan ko ng itigil yung pagmamahal ko kay Alyael. Kailangan kong magparaya.



“Salamat Best. Alam mo bang kakasagot ko lang sakanya kahapon? Halos dalawang linggo niya rin akong niligawan Beeeest. Ay, sorry nga pala di ko nasabi sa’yo ha? Ang plano ko kasi pag sinagot ko na siya saka ko sasabihin sa’yo. So eto na nga, we’re official” Lalong mas tumigil yung mundo ko sa nalaman ko. Pinagsabay kami ni Alyael? Gusto ko siyang tanungin pero wala kong karapatan. Wala na rin naman saysay itong nararamdaman ko. Tama, ititigil ko na tong kahibangan ko.



***



Ilang linggo na rin siula ng naging sila. At hanggang ngayon, inaamin kong hindi pa rin ako nakaka-moved on. Pilit kong kinalilimutan pero mas lalo kong nasasaktan. Kaya hinayaan ko muna yung sakit na manatili dahil alam kong lilipas din ito. Pero lalong kong naguluhan ng isang araw hatakin ako ni Alyael at dalhin sa likod ng Gym. Niyakap niya ako ng mahigpit. Di ako makapaniwala. Anong ginagawa niya? Hindi ko alam na kusa na palang gumalaw yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik. Tinanggal niya rin agad yung yakap at tumingin sa akin ng diretso. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.



“Faith, makinig ka please? Ikaw yung mahal ko at hindi si Caex na-



“Wag mong sabihin niloloko mo si Caex?” Napalakas yung boses ko at agad kong tinakpan yung bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagyayari ngayon. Niloloko niya lang si Caex? Hindi ako makakapayag. Saktan na niya ako wag lang yung bestfriend ko.



“Sssh. Sorry. Ikaw talaga yung mahal ko. Sabi niya kasi sakin magpapakamatay daw siya pag hindi naging kami. Nung una ayoko, dahil ikaw talaga yung mahal ko Faith. Pero napa-oo na lang ako dahil totoohanin niya daw yun. Hindi ko na alam yung gagawin ko kaya pumasok ako sa ganoong sitwasyon. Faith, mahal kita. Mahal na mahal. Alam kong mahal mo rin ako kaya bigyan mo ko ng pagkakataon. Bigyan mo ko ng panahon at gagawan ko to ng paraan. Faith, please…. Parang awa mo na”



Bigla siyang lumuhod. Di ko na alam yung gagawin ko. Napaiyak ako. Mahal ko pa rin talaga siya at walang nagbago. Gagawan naman niya ng paraan diba? Pinatayo ko siya at tumango-tango na lang ako na ibig sabihin ay ‘oo’.



"B-basta gagawa ka ng p-apraan ha? P-pero p-paano si C-caex? Ayoko siyang masaktan"



"Ako ng bahala. Di ko sasaktan si Caex. Pangako yan. Magtiwala ka lang Faith"



Niyakap niya muli ako ng mahigpit at binigyan ng maliit na dampi ng halik sa aking labi saka umalis na. Naiwan ako doon na mag-isa. Tama ba itong pinasok ko? Kaya ko bang saktan yung Bestfriend ko? Maiintindihan naman niya siguro diba? Bestfriend niya ako, maiintindihan niya ako. ‘Magtiwala ka lang Faith’.



***



Buwan na ang lumipas at kasalukuyang 3rd year college na kami. Patago pa rin kaming nagkikita ni Alyael. Minsan sa text at kung wala naman si Caex. Maling saktan ng patago yung bestfriend ko pero ano bang magagawa ko kung puso yung sinusunod ko? Kung minsan nga di ko mapigilang mapa-iyak dahil lagi ko silang nakikitang sweet sa isa’t-isa. Minsan din iniisip ko kung totoo pa yung sinabi sa akin ni Alyael na ako yung mahal niya. Kung totoo bang hindi niya mahal si Caex dahil nagseselos ako. Parang totoo yung pinapakita niya kay Caex.



Alam ng nakakarami dito sa campus na si Caex yung girlfriend niya. At ang masakit, madalas kong naririnig na kumento ay bagay sila. Gusto ko ring maipagmalaki ako ni Alyael na girlfriend niya. Diba ako naman yung totoo niyang mahal? Bakit ganun, si Caex yung mas kinikilala? Gusto ko ring maramdaman na sinasabing bagay na bagay kami ni Alyael. Gusto ko lahat nakaaalam. Yung walang tinatago. Pero hindi maari. Madaming masisira pag nalaman nila ito. Ayoko ring madamay pati yung mga magulang ko sa katangahang ginagawa ko ngayon. Ayokong ikahiya nila ko.



Ilang buwan na rin pero wala pa rin siyang nagagawang paraan. Sabi niya naghahanap naman daw siya nang tiyempo. Pa-ulit ulit na niyang dahilan yan. Ako naman paniwalang paniwala. Sana nga makagawa na siya ng paraan.



“FAITH!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Caex. Tuwing nakikita ko si Caex kumikirot yung puso ko. Parang sobrang laki ng kasalanan ko sakanya. Di ko alam kung paano ako tumatagal na makita siya araw-araw.



“Oh Caex” Ngumiti ako. Isang pekeng ngiti. “Anong ginagawa mo dito?” Kasalukuyan kasi ako ngayon nasa park mag-isa. Inaantay ko si Alyael. Sabi niya babawi daw siya sa mga araw na wala siya sa tabi ko. Kaya eto, sakin siya buong araw.



"Inaantay ko si Alyael. May date kasi kami ngayon. Ang tagal nga ng kumag na yon eh. Ikaw?" Natigilan ako. M-may date din sila ni Alyael? P-paano ko? May date din kami, sila rin meron. Pero bakit kami pinagsabay ni Alyael? Ano, para ipakitang mas mahal niya si Caex? Para saktan ako ng sobra? Pwes, nagawa na niya. Ang sakit. SOBRA! "Faith? Natigilan ka yata? May nasabi ba kong mali?" Gusto kong sabihing 'oo meron, dahil may date din kami ngayon ni Alyael' pero hindi ko magagawa yun.



Ngumiti na lang ako. "Wala! Napapansin ko lang madalas na kayong mag-date. Going stronger na yung relationship niyo ha? C-congrats Best" Gusto ko ng umiyak. Please, ilayo niyo ko dito. Saan ko nakuha yung mga salitang iyon? Mas lalong sumakit yung damdamin ko sobra. May narinig akong isang pamilyar na boses na tumatawag kay Caex. Nilingon ko ito. Mas lalong sumakit yung puso ko ng nakita ko siya. Natigilan siya. Nakuha niya bang magulat, pagkatapos niya kaming pagsabayin ng date? Ang kapal ng mukha niya.



"Babes" Sigaw ni Caex at saka niya niyakap si Alyael. Nakatitig lang ako sa kawalan. Dahil ayokong makitang naglalambingan sila, sa harapan ko pa.



"Oh Faith, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako at napatingin sa nagsalita. Si Alyael. Anong ginagagawa ko dito? Nakakagagong tanong iyan ha. Fvck! Anong ginagawa ko dito? Gusto kong isambit sa pagmumukha nila, na kaya ko andito dahil may date kami ni Alyael pero dumating si Caex at sinabing may date din sila. At ako, nagmukhang tanga lang. Di ko alam kung paano ko nakakayang harapin sila. Pero alam kong sa loob-loob ko halos mamatay na ko sa inggit at galit.



"Nagpapalipas oras lang. Kasi may ka-date ako, di ako sinipot. Ang kapal ng mukha mag-aya ng date, may iba palang date ang gago" Narinig kong sinigaw ni Caex ang pangalan ko. Siguro nagulat siya sa pagmumura ko dahil hindi naman talaga ko nagmumura. Nakita ko siyang namumutla, sige magsisi ka. Kulang pa yan sa ginagawa mo sakin. Nagpaalam na lang ako kay Caex at binigyan ko ng masamang tingin si Alyael bago ako umalis. Pagkatalikod na pagkatalikod ko bigla na lang pumatak yung luha na kanina ko pa pinipigilan. Tuloy-tuloy lang siya. Bakit ang sakit? Ang sakit tengene!



***



Linggo na ang lumipas simula nung araw na yun. Bati na kami ni Alyael. Di ko alam kung paano kami nagbati. Ang lakas talaga ang charisma netong lalaking ito sakin. Sa ngayon andito kami sa Amusement park at pinagpatuloy yung dapat na date namin. Sumakay kami ng iba't ibang rides at siyempre nag-food trip din kami. Di ko maexplain yung saya ng puso ko. Sobra-sobrang saya yung pinaramdam niya sakin. Sa huli, hinatid niya ko sa bahay.



"Bye Alyael" Bineso ko siya at nakita kong nag-pout siya. Tsss. Pa-cute 'to.



"Beso lang? Tsk! Hahaha Joke lang. Halika dito princess" Lumapit ako sakanya. Nagtaka ako ng hawakan niya yung ulo ko. Nagulat na lang ako sa ginawa niya.



"I.." sabay halik sa noo ko. "Love..." sabay halik sa ilong ko. "You.." sabay halik sa labi ko. "You made my day complete my Princess. You are the best thing that ever been mine. See you!" Nagulat ako sa ginawa niya. Kanina kinikilig ako, ngayon mas lalo akong kinikilig. Para kong kamatis sa sobrang pula ko! Ilang saglit lang at umalis na siya. Ako nasa tapat pa rin ng bahay kahit wala na siya, inaalala ko pa rin yung ginagawa niya at di ko talaga mapigilang kiligin. This is the Best Day Ever!



Papasok na sana ko sa bahay ng may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Natigilan ako. Hindi ko makuhang gumalaw. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa. Pero kailangan ko siyang harapin. Nakita niya kaya? Ilang minuto na namang naka-alis si Alyael baka kakarating niya lang? Humarap ako sakanya ng nakangiti. Isa na namang pekeng ngiti. Kalma ka lang Faith. Kalma lang!



"O-oh C-caex! A-anong ginagawa mo d-dito?" Nauutal ako. Please, sana di niya nahalata.



"Bakit ka nauutal?" Seryoso at may himig na galit yung tinig niya. Patay! Nahalata niya. Nakita nga niya kaya?



"H-ha? Ah kasi... May ubo ko. Ang sakit nga ng lalamunan ko eh. Tara pasok ka muna" Umubo pa kunyari. Sana effective. Akmang papasok na ako ng nagsalita siyang muli.



"Huwag na. Sandali lang naman ako. May ibibigay lang ako sa'yo. Di mo ba naalala Anniversary natin ngayon?" Nakangiti niyang tugon. Nakahinga naman ako ng maluwag. Di siya galit sa akin ibig sabihin di niya nakita. Di ko naalalang anniversary namin. Busy kasi ako sa date namin ni Alyael. Nakalimutan ko tuloy. Sana di siya magtampo.



"Siyempre naman naalala ko. Ano bang regalo mo? Sorry ha wala akong r-" Binuksan niya yung regalo at napatalon ako sa gulat. B-bakit ganyan yung regalo niya?



"Nagustuhan mo ba? Nung makita ko yan, naalala agad kita. Parehas kasi kayo" Nakangiti niyang sinabi sa akin. B-bakit siya ganyan? May himig na sobrang galit yung boses niya at magkaparehas? Magkaparehas kami ng Alakdan? Oo, Alakdan yung nasa loob ng regalo niya kaya ako napatalon sa gulat. Hindi ko maintindihan bakit alakdan yung niregalo niya.



"C-caex.. Anong ibig sabihin niyan" Napaatras ako. Kinikilabutan ako. Parang sinaniban ng masamang espiritu si Caex. Anong nangyayari sakanya?



"Alakdan! Di ba obvious? Faith, alam mo ba yung kwento ng Alakdan at Pagong? Hahaha! Di mo nga pala alam, bakit ko pa tinatanong. Stupid. By the way, ikwekwento ko sa'yo. May isang alakdan na gustong tumawid ng ilog pero di siya makatawid dahil nga malulunod siya. Sakto, may nakita siyang pagong na papatawid na ng ilog kaya humingi ito ng pabor na kung pwede isakay siya nito sa kanyang likod para makatawid ng ilog. Nung una ayaw ng pagong dahil baka raw kagatin siya nito. Sa huli napapayag niya ang pagong dahil sabi ng alakdan di naman daw niya kakagatin. Itinawid ng pagong yung alakdan pero ng nasa kalagitnaan na sila ng ilog, biglang kinagat ng alakdan yung pagong. Nagulat ang pagong at itinanong ang alakdan kung bakit niya nagawa yun. Sabi ng alakdan, 'likas na daw sa kanya yun. 'ANG MANTAKSIL NG KAPWA'. Kaya alam mo Faith, hinding-hindi mangyayari sakin yung nangyari sa pagong. Na pagkatapos tulungan pagtataksilan lang pala. Dahil bago pa man siya umatake, UUNAHAN KO NA SIYA. Kaya dapat sa mga tulad ng alakdan, PINAPATAY!" Nagulat ako ng bigla niyang patayin yung alakdan sa loob ng bote. Di ako makapaniwala sa nagyayari sakanya. Ang diin ng pagkatusok niya sa alakdan at kahit alam na niyang patay na ito, di niya pa rin tintigil yung pagtusok dito.



Napaatras ako. Nakakatakot si Caex. Di ko alam kung bakit siya nagkwekwento ng ganun at kung bakit niya pinatay yung alakdan. Sht. Anong nangyayari sakanya? Paatras ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan. Palapit naman siya ng palapit, bakas sa mukha niya yung galit. Okay! Anong nangyayari?



"Faith, calm down. Did I scared you? Ngayon MATAKOT KA!" Nagulat ako ng may itinapat siyang kutsilyo sa mukha ko. C-caex! Bakit niya to nagagawa. "C-caex! I-ibaba mo yan. D-delikado yan" Kahit anong pakiusap ko di niya pa rin ibinababa. Mas lalong bumakas sa mukha niya yung matnidng galit. Hindi na siya yung Caex na kilala ko 12 yrs. ago. Caex, bakit ka nagkakaganyan?



"Ibababa? Bakit ko ibaba? ANG KAPAL NG MUKHA MO FAITH. NATURINGANG FAITH PANGALAN MO, PERO DEMONYO UGALI MO! ALAM MONG KAMI NI ALYAEL DIBA? ALAM MONG MAHAL NA MAHAL KO SIYA AT HANDA KONG IBUWIS YUNG BUHAY KO SAKANYA! TAPOS MAKIKITA KO KAYONG NAGLALANDIAN? ILANG BUWAN NIYO NA KONG PINAGLOLOKO! KAYA PALA NUNG SA PARK NAG-IBA YUNG MOOD MO AT NAGMURA KA PA DAHIL PALA SAKANYA! BAKIT KA GANYAN FAITH? PINAGKATIWALAAN KITA EH! *SNIFF* IKAW YUNG BESTFRIEND KO" Umiiyak na siya. Napaiyak na rin ako. Bakit ba kami humantong sa ganito? Ito na pa yung parusa sa mga nagawa kong kasalanan? Bakit kailangan pang umabot sa ganitong punto? BAKIT!?



"Ikaw yung bestfriend ko Faith. Ikaw lang yung matatakbuhan ko pag walang-wala na ako. Ikaw yung kapatid ko, nanay ko, barkada ko. Ikaw yung tagapagtanggol ko. Ikaw yung higit na pingkaaktiwalaan ko. Faith, I trusted you, but.. you BETRAYED ME! WALANGHIYA KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO! MALANDI KA! MAGSAMA KAYO NI ALYAEL SA IMPYERNO! TUTAL PAREHO KAYONG DEMONYO! MGA WALANGHIYA! WALA KANG UTANG NA LOOB! PAGKATAPOS KITANG TULUNGAN, ITO YUNG IGAGANTI MO SAKIN? IKAW! IKAW YUNG ALAKDAN NA TINUTUKOY KO SA KWENTO. TAKSIL! S-SIMULA NGAYON, HINDI NA KITA KILALA" Binitawan na niya yung kutsilyo at naiwan ako dun mag-isa. Tulala! A-anong nagawa ko? Bakit ganun? Bakit ako iniwan ng bestfriend ko? Ang sakit! Kala ko ito yung best day ever ko eto pala yung worst day ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawalan ako ng malay.



***



Ilang araw na rin simula ng gabing yon. Di ko makausap si Caex at di ko rin mahagilap si Alyael.



Nabalitaan kong inatake sa puso si Caex. Kasalanan ko ito eh. Kung di ko niloko si Caex edi sana ayos pa kami. Edi sana hindi ito nangyayari! S-sorry Caex! Sorry sa mga nagawa ko. Kailangan daw ng heart transplant para sa operasyon ni Caex sa lalong madaling panahon. Naiiyak ako tuwing maalala ko na nanganganib yung buhay niya, Nanganganib yung buhay niya dahil sa akin.



Ngayon andito ako sa park, na madalas naming puntahan ni Alyael. Nagbabakasakaling makita ko siya kahit alam kong imposible. Gusto ko siyang makita. Wala kong matakbuhan ngayon! Siya na lang yung taong nagmamahal sa akin. Bukod sakanya ni isa.... wala na. Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa isang tagong lugar. Natakot naman ako kaya napagpasiyasahan kong umalis. Pero bago pa man ako makaalis may narinig akong isang pamilyar na boses.



Si A-alyael yun ha? Tama ba ko? Sinilip ko kung saan yung pinanggalingan ng boses at tama nga ang hinala ko. Si Alyael yun kasama ng mga kaibigan niya. Nakaupo sila at nakasandal sa puno. Nami-miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin ngunit naiisip kong pagkaalis na lnag ng mga kaibigan niya. Kaya minabuti kong magtago na lang sa likod ng puno at antayin umalis yung mga kaibigan niya.



"Pare kamusta?" Sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Ayokong makinig pero dahil nandito na rin naman ako, pakikinggan ko na. Siguro naman di magagalit si Alyael diba?



"Ayos lang naman" Si Alyael yun. Bakit parang ang tamlay niya?



"Pare, ayokong ng magpaligoy-ligoy pa. Pumunta kami dito ni Ken para itanong yung pustahan. Ano kamusta na? Panalo ba kami?" Pustahan? Anong pustahan? Bakit kailangan dito pa sa tagong lugar nila pag-usapan? Napaka-importante ba nun?



"Oo pare, panalo kayo" Mas lalong tumamlay yung boses ni Alyael. Yung tipong iiyak na siya. Bakit? Narinig kong nagtawanan yung mga kaibigan niya. Nagsasaya ata?



"Sabi ko na nga ba eh. Ang galing mo Alyael ha? Biruin mo ang lakas ng charisma mo? Napag-away mo yung dalawang magkaibigan. Paano nga ulit yun? Ah.. ganito.. 'TAKSIL! S-SIMULA NGAYON, HINDI NA KITA KILALA' Diba ganun yung sinabi ni Caex? Hahahaha! Ang galing pare para ka talagang nanonood ng teleserye" Narinig kong sabi nung Ken na tinutukoy nila. Si Caex? Bakit... Unti-unti na lang tumulo yung luha ko ng ma-realize kong kami yung tintukoy nila. Ang tanga ko. Bakit di ko agad nalaman? Mas lalong sumakit yung nararamdaman ko. Bakit ka ganun Alyael? Bakit? Sirang-sira na kami. Mga walanghiya. Mga hayop! Lalo na yang Alyael na yan. Ang kapal ng mukha niya. Napakasama niya. Demonyo siya! Sinira niya yung pagkakaibigan namin. Sinira niya yung matibay na pagsasamahan namin.



Dahan-dahan akong umalis at tumakbo papalayo. Tuloy-tuloy pa rin yung luha ko. Lahat ng yon pustahan lang pala? Pakitang-tao? Ang tanga ko! ANG TANGA-TANGA KO! Bakit ako nagpadala sakanya? Bakit? Nasira kami ni Caex dahil sakanya!



Di ko na kinaya. Ilang oras ko ding pinag-isip-isipan yung gagawin ko. At sa huli, buo na yung desisyon ko. Tama! Tutal wala na ring kwenta yung buhay ko, gagawin ko na'to. Para kay Caex. Para sa bestrfriend ko.







END OF FLASHBACK








Doon nagsimula ang lahat. Sa kataksilan! Ngayon nakikita kong walang tigil pa rin yung iyak ni Caex sa.. sa puntod ko. Tama, wala na ko. Patay na ko. Gusto ko lang makita yung mundo kahit sandali kahit ilang saglit na lang. Dino-nate ko yung puso ko para mabuhay si Caex. Para mabuhay yung bestfriend ko. Dahil mahal na mahal na mahal ko siya. Siya yung ngabigay pag-asa sakin nung nawala sang mga magulang ko. Siya yung nagpatunay na may silbi pa ko sa mundong ito. Pero ngayon wala na. Binigay ko yung puso ko ng buong-buo at walang alinlangan para mabuhay yung Bestrfriend ko.



Tapos na yung sandali ko. Kailangan ko ng mamaalam. Pero bago pa man ako umalis,hinaplos ko muna yung buhok ng pinakamamahal kong bestfriend.



"Paalam na Caex. Alam kong hindi mo ko nakikita ngayon dahil wala na ko. Pero alam mo, mahal na mahal kita. Isa ka sa dahilan kung bakit ako nabuhay kahit ilang taon lang. Isa ka sa pinakamagandang nagyari sa buhay ko at hinding-hindi ko makakalimutan yun. Ingatan mo yung puso ko ha? Para sa'yo talaga yan. Para mabuhay ka. Tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita, Alam kong magkikita pa tayo. Pero matagal pa yun. I-eenjoy mo muna yung buhay mo. Ako kasi di ko na ma-eenjoy eh. Sayang no? Di mo ko kasama. Hahaha! Ang sama ko kasi. niloko kita. Sorry ha? Di ko naman alam na niloloko rin pala tayo ni Alyael! Sorry ng dahil sakin nasira tayo. Pero tandaan mo, palagi kitang babantayan. Dahil mahal kita bestfriend. Paano ba yan' hanggang dito na lang ako. Ma-mimiss kita, Sobra! I love you bestfriend! Goodbye Caex!"























THE END
© Copyright 2014 Alyssami (alyssami at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/1987995-Betrayed