\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/1824994--Pilipinas-Sadyang-Pinagpala
Item Icon
Rated: E · Poetry · Inspirational · #1824994
An Invitation to join the campaign for OFW Industrial revolution by Manny Calpito...
“Pilipinas Sadyang Pinagpala…”
Ni Enrico D. Morilla 11/ 10 / 2011 (12:33 AM Middle East Time)
Alay sa OFW Industrial Revolution ni Kaibigang Manny Calpito

I.
Sadyang napakaganda po, merong solusyon
OFW Industrial Revolution
Kakulangan ng trabaho sa Pinas ngayon
Halikayo, isang kasaysayan ang layon…
II.
Isang naihanda, sistemang binalangkas
Ng isang Filipinong mithii’y kalatas
Sa lahat ng mga manggagawang lumabas
Sa sariling tinubuan, puso ay wagas…
III.
Wagas sa adhikaing pamilya’y maangat
Kahit pighati, mga anak di mayakap
Sa tagal at haba ng napirmahang contract
Tiim-tiyaga, luha’t pawis pumapatak…
IV.
Halikayo, sabay- sabay tayong mangarap!
Panaginip na upang hapdi’y di makalap
Ng mga minamahal nyo sa hinaharap
Maputol natin ang paglisang kay saklap…
V.
Wag mangambang mawawala ang dollars-earners
Sapagkat Import-Export iindayog, ambers
Golden Era to World Commerce, Corporate Chambers
Amassed industrial strength, unified builders…
VI.
Tatayo tayong nagkakaisa ngang bansa
Halika, minsan pa pahangain ang madla
Madlang mula pa sa iba’t-ibang bansa
“Di lang boxing matalino”, kanilang wika…
VII.
Hintay ko lang munting sweldo, at lahok ako
Buong DALANGIN ito, “Magtagumpay Tayo…”
Sampalatayang sa Pilipinas, bayan ko
Sadyang PAGPAPALA’Y nakaukit na rito….
© Copyright 2011 Sir Ethics (sirethics33 at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/1824994--Pilipinas-Sadyang-Pinagpala