Ako'y naglalakad sa baybaying dagat
Minamasdan ang mga along nagkalat
Tila ba ay galit tulad ng aking sinapit
Damdaming habag, mistulang naiipit.
Bawat yapak ko'y nag-iwan ng bakas
Bakas na animo'y tuluyang nagsilayas
Katulad ng paghihirap at pag-asang nawala
Ang buhay ko'y tila niyapos ng tanikala.
Ang aking sinusuklam ay lalong namayani
Ang aking minimithi ay mistulang nahawi
Ako'y nalugmok sa mapait na tadhana
Itong mga pagsubok ay di ko na makaya.
Ako sana'y maging bulag nalang - ang aking daing
O kaya'y maging bingi - mahirap man na hiling
Nang ang paghihirap ay di ko na masaksihan
Nang maging bingi nalang sa masakit na katotohanan.
Ang lakas na ninanais ay 'di ko mahagilap
Ang maginhawang buhay, sakin ay mailap
Hanggang saan kaya ako tatangayin
Ng masidhing buhay na aking naangkin.
Sa matinik na landas nalang ba ako manatili?
Hatid ba ay kamalasan hanggang sa huli?
Sa silong nitong mapanglaw na langit
May pag asa pa kaya akong makakamit?
All Writing.Com images are copyrighted and may not be copied / modified in any way. All other brand names & trademarks are owned by their respective companies.
Generated in 0.08 seconds at 6:08am on Nov 22, 2024 via server WEBX1.