*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2001778-HaiRheaKimZelRosCiousSon
Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
Rated: E · Other · Other · #2001778
stories of our friendship during high school

HaiRheaKimZelRosCiousSon

Kaming pito ay binigkis at naging isa,
Mukhang mga engot bago nagkita-kita,
Ngunit ng kami'y nagbatiran at nagkakila-kilala,
Naku! talo pa ang mga patong kalalabas lang ng hawla.

Kapag kami'y magkakasama saya nami'y walang paglagyan,
Nagtutulungan, nagbibigayankapag may mga pangangailangan.
Nagkakaintidihan pag mayroong planong kabulastugan,
At mas lalong nagkakaisa kapag sumagupa na ang kawalan.

Hay, buhay nang magkaibigan sadyang hindi mo matanto,
Apat na taon naming pinag-ingatan at pinalago.
Ngunit hindi namin hawak ang panahon,
Tadhana ang siyang nagpasya at kami ay nagakalayo.

Madalas na nakatambay sa kahoy na putol,
Patayugan ng pangarap sa ami'y sapul na sapol
Nguhit Diyos lang ang may karapatang humatol
Sa pagkakaibigan naming hindi maputol-putol.


Kami'y binubuo ng grupo na may ibat-ibang pagkatao,
Ngunit para sa amin, kaming lahat ay matatalino.
Iba-iba ang mga layunin ngunit kami'y may iisang plano,
At yun ay palaguhin ang pagkakaibigan naming pito.










© Copyright 2014 MyPercy (percythao at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://writing.com/main/view_item/item_id/2001778-HaiRheaKimZelRosCiousSon